Balitang trade sa pagitan ng Shell at Ginebra maugong pa rin
April 20, 2004 | 12:00am
Matagal nang itinatanggi ang balitang trade sa pagitan ng Shell at Barangay Ginebra.
Pero hanggang sa ngayon kahit ilang beses nang mariing pinabulaan ito ng magkabilang kampo, patuloy pa rin na umaalingawngaw ito sa daigdig ng PBA.
Ang balitang trade ay sa pagitan umano nina Mark Caguioa at Romel Adducul ng Ginebra kapalit ang all-around Gameboy na si Tony dela Cruz, back up center Billy Mamaril at shooter Chris Calaguio.
Maging si head coach Siot Tangquincen ang nagsasabing walang usapang namamagitan o walang trade silang pinag-paplanuhan.
Gayunpaman, ayon sa source, dalawang bagay ang pinagmulan ng tsismis na ito.
Una, nakita si Tangquincen sa isang pribadong luncheon kay Caguioa bago sumabog ang balita.
"But it was just lunch. We just talked about a few things. We never spoke about trading him," ani Tangquincen.
Ikalawa, isa ang Shell sa nagkaka-interes kay Adducul.
"Theres no question Shell wants Adducul," anang source na dikit sa kampo ng Turbo Chargers.
Ang pangangailangan kay Gameboy Adducul ay lalong umigting nang palitan ni Leo Austria si John Moran bilang coach ng Shell. Si Adducul, na umuusbong tulad ni Ronald Tubid, ay dating bataan ni Austria sa amateur.
Inihayag din ng source na kapwa pinag-uusapan pa ang trade, at kasalukuyang inaayos ang isang magandang package na sapat sa dalawang team.
"Theres nothing official yet but its on the table. Its being discussed," anang source.
At habang patuloy na umuugong ang tsismis, nakakasabik na panoorin ang mga laro ng mga players na involve at bantayan kung sino ang apektado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended