^

PSN Palaro

Red Bull sumingasing

-
Hinipan ng Red Bull Barako ang 20-puntos nitong bentahe, subalit pinatatag nito ang depensa sa huling 2 minuto upang maitakas ang 106-104 panalo kontra sa Talk N Text sa 2004 PBA Grand Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Gaya ng nakalipas nilang mga laban, ang mga locals at hindi ang import ang sinandigan ng Barakos sa labang ito upang maitala ang ika-2 sunod na panalo at mapalawig ang pangkahalatang kartada sa 6-4. Ang Phone Pals ay bumulusok sa 6-5.

Sa pangununa ni Davonn Harp, isang 22-6 run ang pinakawalan ng Red Bull sa unang 10 minuto ng laro upang burahin ang 0-5 pagkakabaon at iposte ang 22-11 bentahe.

Ito ay napalobo pa nila sa 20 puntos,. 34-14 may 10:18 sa ikalawang yugto bago nagsagawa ng malaking pagbangon ang Talk N Text.

Ang laban ay huling nagtabla sa 102-all matapos ang triple ni Jimmy Alapag may 2:11 ang nalalabi. Ang split freethrow ng bagong import na si Corey Hightower at ang puttback ni Harp may 58 segundo sa orasan ang nagbigay sa Barakos ng 3 puntos na abante na agad namang ibinaba ng Phone Pals sa isa sa pamamagitan ng jumper ni Willie Miller.

"Malaking bagay talaga si Jimwell sa amin. One thing that we lost during the last 4 months was the type of contributions he makes," ani coach Yeng Guiao. (Ulat ni Ian Brion)

ANG PHONE PALS

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

COREY HIGHTOWER

DAVONN HARP

GRAND MATADOR FIESTA CONFERENCE

IAN BRION

JIMMY ALAPAG

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with