Reyes papalapit sa ikatlong leg crown

Nanatiling nasa tamang direksiyon patungo sa pagkopo ng kanyang ikatlong leg title si Efren "Bata" Reyes sa San Miguel Asian 9-Ball Tour nang pigilan niya ang Japanese na si Satoshi Kawabata, 9-6, at makaabante sa semifinal round ng $50,000 event sa Hong Kong Football Club’s sports hall.

Ngunit kung anumang suwerte mayroon si Reyes na nagsimula pa sa Singapore at Vietnam leg, tila ayaw naman kapitan ng suwerte si Francisco ‘Django’ Bustamante nang makalasap naman ito ng 7-9 decision kay Taiwanese Hsia Hui Kai sa kanilang quarterfinal duel.

Si Bustamante, na ang tanging narating ay ang second round ng dalawang naunang legs ng circuit na itinataguyod ng San Miguel Beer at inorganisa ng ESPN STAR Sports Management Group, ay tila papasok na sa semis matapos kunin ang unang apat na racks ng kanyang race-to-9 duel kay Hsia.

Show comments