(Pasig Sports Center)
2 p.m. Montana vs Blu Star
4 p.m. Viva-FEU vs Lee Pipes-Ateneo
Wala pa ring bahid.
Sumakay ang Wel-coat Paints sa eksplosyon ni Jojo Tangkay sa ika-2 yugto at pagkatapos ay kanilang pinigilan ang malaking pagbangon ng Sunkist-UST upang mai-takas ang 83-76 tagum-pay sa PBL Unity Cup kahapon sa Pasig Sports Center.
Ang panalo ay ika-4 na sunod ng Paint Masters, na lalo pang nagpatatag sa kanilang kapit sa lide-rato. Ang Tigers ay nag-tamo ng ikalawang kabit na kabiguan at nahulog sa 3-2.
Dahil sa masamang panimula, natagpuan ng Welcoat ang kanilang sarili sa 15-16 pagkaka-huli matapos ang unang 10 minuto ng bakbakan at sa pamamagitan ni Tang-kay, isang 16-5 salvo ang ibinaba ng Paint Masters sa kasunod na 5 minuto upang makalayo at maku-ha ang kontrol ng laban.
Ang Welcoat ay luma-mang pa ng hanggang 15 puntos sa huling kanto at bagamat nagawa itong tapyasin ng Sunkist sa tatlo, 79-76 matapos ang triple ni Alex Compton may 10.7 segundo ang nalalabi, ay hindi pa rin ito bumigay.
(Ian Brion)
Welcoat 83--Tangkay 24, Capus 18, Tolomia 14, Ortiguerra 12, Gatumbato 6, Uy 5, Reyes 2, Aldeguer 2, Guevarra 0.
Sunkist 76--Luanzon 15, Latoreno 15, Compton 11, Vizcarra 10, Capati 9, Santos 6, Patrimonio 5, Coronel 5, Paterno 0.
Quarterscores: 15-16; 41-31; 60-52; 83-76.