Nakilala si Mendoza nang kanyang talunin ang Sydney Olympic bronze winner na si Kothny Wiradech ng Thailand, nagwagi rin siya sa Kuala Lumpur at sa Vietnam SEAG kung saan tumapos ito ng ikaanim na puwesto sa Busan Asian Games noong 2002.
Ang iba pang Pinoy na umaasa na makakasungkit ng Olympic slots ay sina Emerson Segui at Veena Nuestro (foil), Johanna Franquelli (sab-re) at Armand Bernal at Harleen Orendain (epee).
Ang RP team sa Asian event na ito na inorganisa ng Philippine Amateur Fencers Association (PAFA) at sponsored ng Sharp Phils. Inc. ay ang mga sumusunod: Epee-Armand Bernal, Wilfredo Vizcayno, Almario Viz-cayno, Avelino Victorino (men), Harleen Orendain, Lorena Ann San Diego, Mely Joyce Angeles at Roberta Gonzales (wo-men).
Sabre-Walbert Mendoza, Edmund Velez, Edward Daliva (men), Johanna Franquellli, Jinky Naval, Veena Nuestro at Wendy Mendoza (women).
Foil-Emerson Segui, Rolando Canlas, Ra-mil Endriano, Ruperto Endriano (men), Veena Nuestro, Mely Joyce Angeles, Mickey Mance-nido at Roberta Gonzales (women).
Nagkumpirma na rin ng kanilang paglahok ang Malaysia kahapon na nagdala na sa kabuuang 23 bansa ang magpa-pasiklab sa isang ling-gong event na suportado rin ng DOT, POC, PSC, National Sports Grill, Philippine Star, img, DZSR Sports Radio at Holiday Inn Galleria.
Aabot na sa mahigit 427 atleta at opisyal na kinabibilangan ng Inter-national Fencing Federation president Rene Roch ng France at Asian Fencing Confederation head Chang Yung Soon ng Korea, ang siyang darating sa bansa para sa pinakamalaking fencing event na iho-host ng Philippines.