Tour Pilipinas 2004: Buntis na asawa pinagbigyan
April 17, 2004 | 12:00am
DAET, Camarines Norte -- Kapag buntis ang isang babae, kailangang pagbigyan ang kanyang kahilingan.
Kaya naman nang sinabi ng asawa ni Merculio Ramos na kunin niya ang 98 kilometrong Naga-to-Daet Stage 2 ng Air21 Tour Pilipinas, pinilit niyang pagbigyan ang kahilingan ng limang buwang nagdadalantao na si Arlene na nasa yugto pa ng paglilihi.
"Nakausap ko ang asawa ko (nasa Binalonan, Pangasinan), sabi niya, kunin ko yung stage ngayon, kaya pinilit kong manalo ngayon," wika ng 25-gulang na produkto ng Tarlac na si Ramos, ang team captain ng Samsung na nagtala ng 1-2 finish makaraang pumangalawa ang kasamahan nitong si Ericson Obosa kahapon.
Matapos pumangatlo sa Stage 1 -Sorsogon-to-Naga na pinangunahan ni Felix Celeste ng VAT Riders, naunang tumawid ng finish line sina Ramos kasunod si Baluyot na kapwa nagtala ng tiyempong 2-hours, 13-minuto at 15 segundo sa maigsi ngunit paliku-likong ruta kahapon.
Dahil dito, naagaw ni Ramos ang yellow jersey mula kay Celeste at ang kanilang magandang pagtatapos ni Obosa kasama si Villamor Baluyot, lumaki ang distansiya ng Samsung sa mga kalaban para sa P1million team prize sa kabuuang oras na 16:41.00.034.
Matapos ang dalawang yugto ng 21-days, 17-stage race na ito na sinuportahan ng Lactovitale, Summit, Isuzu, Pharex Multivitamins, Gatorade at Red Bull, si Ramos ay may oras na 5:33.19 sa overall individual standing kasunod si Obosa na nanggaling sa ika-12th place at may pitong segundong distansiya lamang.
Kasunod ng Samsung sa team competition ang Dole Pineapple na may distandiyang 2:05 minutes habang nasa ikatlong puwesto naman ang Purefoods na may 2:33 minutong deficit.
Nayanig ang top-ten overall sa pagpasok ng mga bagong riders at pagbagsak naman ng iba ngunit naka-lapit na ang defending champion na si Arnel Quirimit na nasa 11th place mula sa 14th ngunit inaasahang kikilos ngayon sa 207.1 kilometrong Naga to Lucena stage kung saan dadaan sa matarik na Tatlong Eme sa Atimonan, Quezon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended