Nakahilera ang lahat ng 84 siklista sa starting line sa Rizal Avenue para sa Stage 1, Sorsogon-to-Naga City ngunit ang lahat ng mata ay nakatutok kay defending champion Arnel Quirimit na muling babandera para sa Tanduay Rhum Riders.
Ang unang yugto ng 17-stage, 21-days races na ito ang umpisa ng mahigpit na pakikibaka ni Quirimit para sa kanyang kampanya sa bihirang back-to-back title na limang siklista pa lamang ang nakakagawa sa 49-taong kasaysayan ng Tour na sa ikalawang pag-kakataon ay itataguyod ng Air21.
Sa likuran ni Quirimit, nakabantay ang mahihigpit na contenders na sina Victor Espiritu, team skipper ng Beer Na Beer; Renato Dolosa ng Metro Drug, Warren Davadilla ng Purefoods at Santy Barnachea ng Mail & More.
Ang mga ito ay pawang may karanasan sa pagiging kampeon sa dating Tour. Si Espiritu ay naghari noong1996, may dalawang titulo si Dolosa (1992, 1995), si Davadilla noong 1998, ang huling edisyon ng dating Tour at si Barnachea sa 2002 Tour of Calabarzon nang muling buhayin ng Air21 ang karerang ito.
Si Guieb, ang team captain ng Marsman-Drysdale ay ang pinaka-huling back-to-back titlists (1993-94) na kinabibilangan din nina Antonio Arzala (1955-56), Jose Sumalde (1964-65), ang kasalukuyang legal at race consultant na si Cor-nelio Padilla Jr. (1966-67), at Jacinto Sicam (1982-83).
Sa 141-kilometrong ruta ngayon, malaking bahagi nito ay nasa kanang bahagi ang magandang tanawin ng Bulkang Mayon sa Legaspi.
Magiging mahigpit na hamon din kay Quirimit sina Merculio Ramos ng Sam-sung, Rhyan Tanguilig ng PLDT-NDD, Albert Primero ng Dole-Pineapple, Felix Celeste ng Vat Riders, dating STAR carrier na si Enrique Domingo ng DOTC Postmen at Placido Valdez ng Patrol 117.