Ngayong taon na ito, hindi sila magkasama.
Nasa bahay lang si misis at malungkot.
Ang dahilan?
Si player ay may iba nang kasama sa buhay. Iba na ang kasama niya kapag Holy Week. In short, may bago na siyang asawa.
At may panganay na rin siya sa kanyang bagong ka-partner.
Ang pag-ibig nga naman....
Malaki ang ipinayat ni Jerry mula nung maoperahan siya late last year pero good news, hes fast on his way to recovery at ngayon nga, kaya na niyang makipagsabayan sa mga teammates niya sa FedEx.
Kung nakita nyo si Jerry matapos siyang maoperahan nun, iisipin nyong lalagpas sa isang taon bago siya makalaro muli dahil halos 35 pounds nga ang nawala sa kanya.
Pero ngayon, nakakatuwa namang malaman na malapit na siyang makalaro muli.
Will he stay or will he be axed?
Yan ang malaking katanungan na ang sagot ay maari nating malaman ngayong linggong ito.
Napakahalaga ng mga laro ng team na ito ngayong linggong ito dahil diyan nakasalalay ang magiging desisyon.
Kapag walang balita ngayong linggong ito or early next week, ibig sabihin, nadesisyunan nilang panatilihin sa team si coach at next conference na lang papalitan.
Matinik talaga si Chot Reyes. Pinaghandaan ang laban nila against SMB.
Hindi rin naman pala ganoon ka-invincible ang SMB team.
Nabuhayan ng pag-asa ang ibang team na puwede rin pala nilang talunin ang napakalakas na SMB team.
Nabuhay na ring muli ang FedEx team dahil nanalo sila sa Red Bull. Malaki pa rin ang pag-asa nila going into the next round.
Ang Ginebra San Miguel kaya, kailan muling mabubuhay?
Nagkahiwalay na nga sila.
Ngayon, nanonood pa rin ng games si aktres pero iba na ang favorite niya.
Si Jimmy Alapag na.