^

PSN Palaro

Nagpa-practice na si Jerry

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ilang taon na magkasama tuwing Holy Week ang isang sikat na basketball player at ang kanyang misis.

Ngayong taon na ito, hindi sila magkasama.

Nasa bahay lang si misis at malungkot.

Ang dahilan?

Si player ay may iba nang kasama sa buhay. Iba na ang kasama niya kapag Holy Week. In short, may bago na siyang asawa.

At may panganay na rin siya sa kanyang bagong ka-partner.

Ang pag-ibig nga naman....
* * *
Nagpa-practice na si Jerry Codiñera sa FedEx team.

Malaki ang ipinayat ni Jerry mula nung maoperahan siya late last year pero good news, he’s fast on his way to recovery at ngayon nga, kaya na niyang makipagsabayan sa mga teammates niya sa FedEx.

Kung nakita nyo si Jerry matapos siyang maoperahan nun, iisipin nyong lalagpas sa isang taon bago siya makalaro muli dahil halos 35 pounds nga ang nawala sa kanya.

Pero ngayon, nakakatuwa namang malaman na malapit na siyang makalaro muli.
* * *
Nakatulong kaya ang pagnilay-nilay nitong nakaraang Holy Week ng management ng isang PBA team patungkol sa kung ano ang magiging desisyon nila sa kanilang head coach?

Will he stay or will he be axed?

Yan ang malaking katanungan na ang sagot ay maari nating malaman ngayong linggong ito.

Napakahalaga ng mga laro ng team na ito ngayong linggong ito dahil diyan nakasalalay ang magiging desisyon.

Kapag walang balita ngayong linggong ito or early next week, ibig sabihin, nadesisyunan nilang panatilihin sa team si coach at next conference na lang papalitan.
* * *
Natalo na rin ang San Miguel Beer!

Matinik talaga si Chot Reyes. Pinaghandaan ang laban nila against SMB.

Hindi rin naman pala ganoon ka-invincible ang SMB team.

Nabuhayan ng pag-asa ang ibang team na puwede rin pala nilang talunin ang napakalakas na SMB team.

Nabuhay na ring muli ang FedEx team dahil nanalo sila sa Red Bull. Malaki pa rin ang pag-asa nila going into the next round.

Ang Ginebra San Miguel kaya, kailan muling mabubuhay?
* * *
Hindi nagkatuluyan ang isang aktres at ang isang player na muntik nang magpakasal last year.

Nagkahiwalay na nga sila.

Ngayon, nanonood pa rin ng games si aktres pero iba na ang favorite niya.

Si Jimmy Alapag na.

vuukle comment

ANG GINEBRA SAN MIGUEL

CENTER

CHOT REYES

HOLY WEEK

JERRY CODI

MALAKI

RED BULL

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with