^

PSN Palaro

Quirimit, di nababahala sa mga makakalaban

-
SORSOGON City -- Kay Arnel Quirimit lahat nakabantay ang 83 siklistang kalahok sa Air21 Tour Pilipinas na lalarga na bukas ngunit hindi nababahala ang defending champion na magtatangka ng bibihirang back-to-back title.

"Wala akong kinatatakutan. Handang-handa na ako, alam kong malakas ang mga kalaban pero gagawin ko ang lahat para manalo," sabi ni Quirimit na muling babandera para sa Tanduay Team sa ikalawang pagkakataon.

Magiging mahigpit na kalaban ni Quirimit ang kanyang mga kasamahan sa national team sa pangunguna ng nagbabalik na si Victor Espiritu ng Beer na Beer na nag-champion noong 1996 sa dating Tour at ang 1998 titlist na si Warren Davadilla, team skipper ng Purefoods.

Ngunit hindi rin naman papadehado ang Pagcor Trade Team, ang koponang binuo para sumali sa mga international competitions, na kinabibilangan nina Rhyan Tanguilig, Albert Primero, Merculio Ramos at ni Espiritu.

Ayon kay Tanguilig, nag-training ang lahat para manalo dito na lamang magkakatalo sa 21-day, 17-stage race na ito para sa P1million team prize at P200,000 individual prize.

"Malalakas ‘yang national team. Maganda ang training nila. Pero nag-ensayo rin naman kami," aniya.

"Kumbaga, adobo ang kinakain ng national team, adobo rin sa amin, nasa pagkakaluto na lang ‘yan."

Kahapon lamang dumating dito si Quirimit at Davadilla kasama sina Enrique Domingo, ang dating STAR carrier na team captain ng DOTC Postmen at ang baguhang si Dante Cagas buhat sa pakikibahagi sa Asian Cycling Championship na qualifying race para sa Athens Olympics sa Japan.

Nagtala ng 16th place finish sa naturang karera si Quirimit sa likod ng kanyang kasamahang si Warren Davadilla, na naging best finisher sa apat na RP cyclist bilang 13th place.

Ang RP team ang best finisher sa Southeast Asia.

Pormal na magsisimula ang karerang tatahak ng kabuuang distansiyang 2,758.69 kilometro, na suportado ng Lactovitale, Isuzu, Summit, Pharex Multi-vitamins, Gatorade at Red Bull, bukas para sa 141-km. Sorsogon-to-Naga stage.

ALBERT PRIMERO

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIP

ATHENS OLYMPICS

DANTE CAGAS

ENRIQUE DOMINGO

KAY ARNEL QUIRIMIT

MERCULIO RAMOS

QUIRIMIT

TEAM

WARREN DAVADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with