7th win puntirya ng Talk N Text

Tangka ng Talk N Text na makuha ang ika-7 panalo na maglalagay sa kanila sa solong ikalawang puwesto sa likod ng namumunong San Miguel Beer sa kanilang pakikipagtagpo sa Shell Velocity sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Gran Matador-PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Hawak ang 6-3 panalo-talo karta, katabla ng Phone Pals ang Coca-Cola at Alaska sa ikalawang posisyon sa likuran ng Beermen na may 8-1 baraha.

Ang laban ay itinakda sa ganap na 4:45 ng hapon.

Sa ikalawang laro, tangka naman ng Purefoods at Red Bull na makabangon sa kanilang pagkakadapa at manatiling buhay ang pag-asa sa susunod na round sa kanilang paghaharap ngayong alas-7:10 ng gabi.

Muling sasandalan ni Phone Pals coach Joel Banal ang kanyang im-port na si Jerald Honey-cutt katulong ng mga lokal na sina Asi Taulava, Willie Miller at Jimmy Alapag na pawang nagpamalas ng impresibong numero sa mga nakaraang laban.

Nais naman ng Turbo Chargers na makabalik sa kanilang winning form na pinutol ng Sta. Lucia noong Abril 3 makaraang magtala ng dalawang sunod na panalo sa ilalim ng bagong coach na si Leo Austria. (Ulat ni DMVillena)

Show comments