Ikatlong korona asam ni Reyes

Bitbit ang back-to-back na tagumpay, nakatuon ngayon ang isip at paningin ni Efren ‘Bata’ Reyes sa kanyang ikatlong sunod na korona sa pagdako ng 2004 San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Hong Kong Football Club’s Sports Hall sa Hong Kong sa Sabado.

Na-sweep niya ang unang dalawang yugto ng 5-stage nation-hopping series na iniisponsoran ng San Miguel, kabilang na ang sa Vietnam noong nakaraang buwan kung saan tinalo niya ang Taiwan ace na si Chao Fong Pang, 11-9.

At hawak pa rin ni Reyes ang momentum makaraan ang panalo sa kickoff leg sa Singapore kontra sa kababayang si Warren Kiamco sa US$50,000 event na inorganisa ESPN STAR kung saan ang top 10 players pagkatapos ng five leg ang kuwalipikado sa World Pool Championships.

Kasalukuyang nangunguna si Reyes sa elite field sa rankings na may 140 points kasunod sina Chao (80), India’s Alok Kumar (80), Kiamco (70), Japan’s Satoshi Kawabata (60), Taiwan’s Cheng Huang Wu (50), Korea’s Park Shin Young (50), Jeong Young Hwa ng Korea (40), Francisco "Django" Bustamante (40), Vietnam’s Vu Trong Khai (40), Hisashi Yama-moto ng Japan (40) at Thailand’s Chatchawal Rutphae (40).

Show comments