^

PSN Palaro

Leksiyon lamang ang nalasap na kabiguan ng San Miguel

-
Bumibigay na ba ang San Miguel Beer?

Ito ang katanungan ng marami ng malasap ng Beermen ang kanilang kauna-unahang kabiguan noong Linggo sa kamay ng kapatid na kompanyang Coca-Cola Tigers.

Positibo pa rin ang San Miguel na nasa maayos at magandang landas ang kanilang binabaybay sa kasalukuyang komperensiya.

"Like eight games doesn’t get us to where we want to be, one loss doesn’t hinder us from where we want to be," sagot ni Beermen tactician Jong Uichico matapos silang talunin ng Coca-Cola Tigers.

"We never really ex-pected to go undefeated," ana naman ni Beermen playmaker at team captain Olsen Racela. "We would rather lose now than lose in the finals."

Mahaba pa ang kumperensiya at walang kaba si Racela para sa kan-yang koponan bagamat lumasap ng kabiguan.

At bakit naman sila kakabahan? Kung pag-uusapan ang statistics angat na angat pa rin ang San Miguel. Sa nakalipas na 16 taon sa liga, lahat ng limang koponan na nanalo ng walong sunod sa conference at sa opening ng torneo ay nanalo ng titulo.

At ang huling gumawa niyan ay ang Alaska Aces sa Invitationals noong nakaraang taon kung saan naitala nila ang siyam na sunod na panalo.

Inamin ni Uichico na masama ang nilaro ng team sa tatlong naunang quarter at nakabawi lamang sa final period.

"We thought we could win because we’ve been doing it for the past few games and we’re coming up with wins. But basketball is not like that. Basketball is a 48 minute game," aniya. "And Coke took advantage of that."

Damdam din ni Uichico na dumating lamang sa tamang panahon ang kani-lang kabiguan upang maturuan ang team ng ilang positibong leksiyon. "It teaches the coaches and the players to be always on their feet and to not take things easily because it really isn’t," paliwanag ni Uichico.

ALASKA ACES

BEERMEN

BUMIBIGAY

COCA-COLA TIGERS

JONG UICHICO

OLSEN RACELA

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

UICHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with