Kabilang sa masusing naghahanda para sa 17-stage, 21-days race na ito ay ang tatlong government teams na makikibahagi sa karerang ito sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Ang tatlong ahensiya ng gobyerno ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Department of Transportation and Communication (DOTC).
Ang BIR ay kakatawanin ng mga VAT Riders sa pangunguna ni team captain Felix Celeste, ang mga riders ng DILG na pinamumunuan ni Placido Valdez ay tatawaging Patrol 117 habang ang team ng DOTC ay kikilalaning Postmen na babanderahan ni Enrique Domingo.
Ang tatlong ito ang magdadala sa kanilang team patungo sa P1 million team prize na paglalabanan ng 12 teams kung saan kabilang ang mga dati nang teams na PLDT, Samsung at Tanduay at ang mga baguhang Purefoods, Dole Pineapple, Marsman-Drysdale, Mail & More, Metro Drug at ang Beer na Beer.
Ngayon pa lamang darating si Enrique kasama ang Rhum rider na si Arnel Quirimit, ang defending champion, Warren Davadilla at Dante Cagas na kagagaling lamang sa Japan kung saan silay nakibahagi sa Asian Cycling Championship na naging qualifying tournament para sa Athens Olympics sa Greece sa Agosto.
Inaasahang magiging malaking pakinabang at hindi makakasama kay Domingo, ang dating STAR carrier, ang biyaheng ito hindi lamang para pamunuan ang kanyang team kundi para na rin pigilan si Quirimit sa kanyang tangkang back-to-back title.(Ulat ni CVOchoa)