Pangungunahan ng dalawang beteranong siklista ang dalawang ba-gong sponsor teams. Ang Marsman-Drysdale at ang Metro Drug sa Air21 Tour Pilipinas at uma-sang magkaroon ng puwang sa glorya sa 21-day, 17-stage race.
Umaasa si Dolosa na mababalikan niya ang kanyang pangkampeo-natong porma tangka ang kanyang ikatlong sunod na titulo.
"Tignan natin kung may pagkakataon," ani Dolosa, na nanalo noong 1992 at 1995 bago mag-sara ang dating Tour.
Sa pagitan nito, nagtala ng kasaysayan si Guieb nang magtala ito ng back-to-back title noong 1993 at 1994. Tangka ni Guieb na muling pangunahan ang Baguio-to-Baguio lap kung saan siya eksperto.
"Baka sakaling may ibubuga pa," ang mapagkumbabang sabi ng Nueva Vizcaya pride.
Si Guieb ang mamumuno sa Marsman-Drysdale sa karerang ito na sponsored ng Isuzu Phils. Corp., Pharex Multivitamins, Gatorade, Red Bull, Lactovitale at Summit, at makakasama nito sina Alfie Catalan, Paolo Manapol, Darwin Maraña, Art dela Cruz, Virgilio Buena at rookie Noel Rito.
Magiging puhunan ni Dolosa ang kanyang malawak na karanasan sa 2,758.69-km race laban sa speed at power na mga mas batang kala-ban at makakatulong nito para sa Metro Drug sina Ronald Gorrantes, Ma-nuel Mendoza, Reinhard Gorantes, Robert Villaber at rookies Alvin Benosa at Virgilio Quinta Jr.
Tangka ng dalawang koponang ito ang P1-million para sa team classification, na bahagi ng kabuuang P4.8 million na itinaya nina Air21 at Tour Pilipinas chairman Bert Lina at ng kanyang asawa at co-chairman na si Sylvia P. Lina.
Ang iba pang teams sa ikalawang edisyon ng Air21Tour Pilipinas ay ang Tanduay, Beer na Beer, Samsung, Dole, Mail and More, Purefoods, PLDT-NDD, BIR VAT Riders, DILG Patrol 117 at DOTC Postmen.
Magsisimula ang karera sa Sorsogon, Sor-sogon, patungo sa nor-teng bahagi ng Luzon na hihinto sa 16 lungsod kung saan dadaan sa 24 probinsiya.
Magtatapos ang mga stages sa Naga City, Daet, Lucena, Tagaytay, Quezon City, Olongapo, Dagupan, Cabanatuan, Solano, Tuguegarao, Aparri, Laoag, Vigan, Baguio City at Tarlac City.