^

PSN Palaro

CHINA, RUMATSADA NA!

GAME NA! - Bill Velasco -
Rumaratsada na ang Tsina sa basketbol bilang paghahanda para sa 2008 Olympics sa Beijing. Marami ngayong mga eksperto, manunulat at mamamahayag ang may sariling mga mungkahi tungkol sa kung ano ang dapat gawin ng mga punong-abala sa Olympiadang iyon.

Magiging ganap na professional league ang Chinese Basketball Association sa 2005. Magiging labing-apat ang kanilang koponan, at permanente nang lalahok ang mga dayuhan sa bawat koponan (dalawa para sa bawat isang team), gaya ng ginagawa ng National Basketball League sa Australya. May mga nagpapayo na dapat pa ngang dagdagan ang playing time ng mga import para lumakas ang mga katutubo nilang player.

Sa kasalukuyan, isa lang ang naglalarong import tuwing playoffs, pero maaaring magbago iyon. Pinag-aaralan pa ng mga Tsino kung paano panatiliin ang mga mahuhusay na baguhan sa kani-kanilang team sa CBA habang nag-eensayo ang mga ito para sa kanilang pambansang koponan. Ang Chinese national team ay hawak ngayon ni Jonas Kauslauskas ng Lithuania habang hinihintay na pumasok si Dallas Mave-ricks coach Del Harris. Sa isang panayam, binunyag ni Harris ang kanyang mga plano.

"Oh, I know that in the past ten years, Chinese basketball has made great improvements, but the level is still far behind the levels of European and American basketball," paliwanag niya. "Our team has to improve in guard play. Also, our perimeter needs to be strengthened as well, shooting, basic fundamentals, and also our defense; of course offense as well. As a whole, we need to improve ourselves in all possible ways, and not just one single specific. I talked with Yao Ming, he told me that many people thought the problem with the Chinese national team is mainly with defense, but he thinks that there are problems with the offense as well, such as the consistency of the shots, and the cuts, screens and passing."

Ngayong isang beteranong coach ng NBA na ang hahawak sa kanila, may sapat na panahon ba ang China para makakuha man lamang ng medalya sa 2008? Sa darating na Olympics sa Athens, malabo pang makahakot sila ng medalya, kahit nandiyan si Yao Ming at Mengke Bateer. Gaya ng nabanggit ni Harris, may kahinaan sa mga guards ang mga Intsik, at pinag-aaralan nila ang laro ng mga Amerikanong tulad ni Jason Kidd at Gary Payton. Marami rin silang kasabay na nais umakyat sa standings sa Athens, tulad ng Angola at Australia, na kapwa nakatikim na ng pagpasok sa top ten sa mundo.

Kabalintunaan na umaasa tayong umasenso ang China para lamang makabalik ang Pilipinas sa Olympic basketball sa mahigit tatlong dekada. Kapag maganda ang pinakita ng China sa World Men’s Championships bago dumating ang 2008, madadagdagan ng isa pang puwang para sa isa pang team mula sa Asya sa Beijing Olympics. Inaasa natin ang ating tagumpay sa ibang bansa.

At mangyari man iyon, kailangan pa nating talunin ang Japan, Korea at Lebanon para makasigurado.

Ang tanong: ano na ba ang ginagawa natin?

ANG CHINESE

BEIJING OLYMPICS

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

DALLAS MAVE

DEL HARRIS

EUROPEAN AND AMERICAN

GARY PAYTON

PARA

YAO MING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with