^

PSN Palaro

National riders kulang sa gamit

-
Ano mang pisikal na paghahanda ang ginawa ng fourman national team na umalis patungong Yokaichi City, Japan kahapon para maki-bahagi sa Asian Cycling Championships na magiging qualifying tournament para sa 2004 Athens Olympics, ay mababalewala kung ang gamit nilang equipment ay may diperensiya.

Dahil dito, siguradong mahihirapan ang mga Tour champions na sina Arnel Quirimit Warren Davadilla, sprint specialist Enrique Domingo at rookie Dante Cagas sa kanilang pakikibaka.

Noong Martes lamang, isinoli ng Pagcor Casino trade team ang mga hiniram na equipment sa Philippine Sports Commission na kanilang ginamit sa Tour de Langkawi kung kailan paalis na ang RP cyclists.

Nalaspag na ang mga equipments at mayroon pang nasira gaya ng pinakamahal na equipment --ang Campagnolo disc wheel glibe na nagkakahalaga ng P100,000, na nabasag sa gitna.

Isinoli ng Pagcor Casino Filipino trade team, na mina-manage ni Ric Rodriguez, ang disc wheel na may sticker para takpan ang butas na nadiskubre ng mga opisyal ng PhilCycling na kanilang inin-speksiyong maigi ang mga gamit.

Gagamitin sana ni Quirimit ang naturang disc para lumakas ang kan-yang tsansa sa Individual Time Trial sa Asian bikefest kung saan ang mananalo ng medalya ay makakasama sa olimpiyada.

Sa pagsabak nina Domingo, Davadilla at Cagas sa road race, laspag na ang kanilang gagamiting equipment.

Hindi ipinaliwanag ni Rodriguez o kahit na sino man mula sa trade team kung bakit nasira ang mga gamit at kung bakit kamakalawa lamang nila ito naisoli. (Ulat ni CVOchoa)

ARNEL QUIRIMIT WARREN DAVADILLA

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIPS

ATHENS OLYMPICS

DANTE CAGAS

ENRIQUE DOMINGO

INDIVIDUAL TIME TRIAL

NOONG MARTES

PAGCOR CASINO

PAGCOR CASINO FILIPINO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with