8 RP tracksters kakampanya sa Thailand Open
April 7, 2004 | 12:00am
Walong ipinagmamalaki ng RP athletics squad na nanalo ng individual gold medals sa 2003 Vietnam SEA Games ang mangunguna sa kampanya ng Pilipinas sa Thailand National Open na nakatakda sa Abril 27 hanggang Abril 30 sa Bangkok.
Sina 5 footer na si Eduardo Buenavista, ang ipinagmamalaki ng South Cotabato na naghari sa 10,000M sa Hanoi noong nakaraang Disyembre, Ernie Candelario na nanguna naman sa 400M at Lerma Bulauitan Gabito na nagreyna sa womens long jump ay makakasama nina Danilo Fresnido (javelin) Arneil Ferrera (hammer), Alan Ballester (marathon), John Lozada (1500M), ay Rene Herrera (3000M) kontra sa mga kalaban mula sa Asya.
Si Buenavista ay lalaban sa 5,000M upang mapanatili niya ang kanyang competitive shape bagamat nais ng kanyang mga coach na ilagay siya sa 42Km marathon ngunit ang naturang event ay hindi idaraos sa taunang Thai event.
Gagastusan ng Philippine Sports Commission, ang partisipasyon ng mga Pinoy ay bahagi ng paghahanda ng Philippine Amateur Track and Field Association para sa 2005 biennial event na iho-host ng bansa.
Sa Vietnam, ang mga bataan ni Go ay may inuwing 8 golds habang ang Thailand ay may 15 at 8 naman sa host Vietnam.
Si Ballester na isang marathon winner sa Vietnam ay tatakbo na sa 10,000M event.
Kukumpleto sa lineup ay ang mens silver medal winner sa 4x400M relay na binubuo nina Jimar Aing, Candelario, Rodrigo Tanuan at Ronnie Marfil; bronze medalist Joebert Delicano at Mercedita Manipol at 2003 Asian Grand Prix bronze medal winner Marestella Torres.
Kasama din ng mga Pinoy standouts sina head coach Isidro del Prado at assistant Mario Castro. Ang RP delegation ay nakatakdang umalis sa Abril 25 para maagang makabisa ang malakas na kompetisyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended