PBL Unity Cup: Alex Compton nagbida sa Sunkist
April 7, 2004 | 12:00am
Pumutok na si Alex Compton at lalo pang naging mabangis ang Sun-kist-UST.
Sa kabila ng iniindang pilay sa kaliwang paa, umiskor si Compton ng 18-puntos, kabilang ang apat na triple upang pangunahan ang Tigers sa pagsakmal ng kanilang ikatlong sunod na panalo, ang 69-66 paglusot sa defending champion Hapee Toothpaste kaha-pon sa Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Matapos magtantiyahan sa unang bahagi ng laban na nagsara sa 35-all, umangat ang Teeth Sparklers sa pitong puntos na kalamangan sa unang dalawang minuto ng ikatlong yugto.
Subalit ang pagkapit nilang ito sa trangko ay naging panandalian la-mang sapagkat sa pamumuno ni Compton kasama sina Allen Patrimonio at Ron Capati, ang Tigers ay nagpakawala ng 20-6 run sa kasunod na pitong minuto para sa 58-48 bentahe.
Ito ay napalawig pa nila sa hanggang 13-pun-tos, sapat upang kanilang maligtasan ang paghahabol ng Hapee at ang kawalan nila ng produksiyon sa huling dalawa at kalahating minuto.
Nagtala naman si Mark Macapagal ng 23-puntos at sina Francis Mercado at Reed Juntilla ay may 11 at 10 ayon sa pagkakasunod para sa Hapee na nagkaroon pa ng pagkakataong maitulak ang laro sa overtime kung hindi namintis ni Macapagal ang kanyang three-point attempt kasabay ng pagkaubos ng oras. Ang Teeth Sparklers ay nahulog sa 2-1 marka.
Sa ikalawang laro, nanatili din sa liderato ang Welcoat matapos itala ang kanilang ikatlong sunod na panalo nang kanilang igupo ang Viva Mineral Water, 89-80. (IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am