Kumbagay magkakaroon ng sister team ang Tanduay dahil susuportahan pa ng Lucio Tan Group ang isa pang team na magdadala ng pangalan ng Beer na Beer na pangungunahan naman ng comebacking na si Victor Espiritu.
Bukod sa Tanduay at Beer na Beer, ang iba pang team sponsors ay ang Samsung, Dole, Mail and More, Metro Drug, PLDT-NDD, Marsman-Drysdale, Purefoods, BIR Vat Riders, DILG Patrol 117 at DOTC Postmen.
Ang 17-stage Tour na suportado ng Isuzu Phils. Corp., Pharex Multivitamins, Gatorade, Red Bull, Lactovitale at Summit ay tatagal ng 21 araw.
Aalis na sa Lunes ang 600-vehicle entourage patungong Sorsogon, Sorsogon kung saan magsisimula ang karrera na dadaan sa 24-probinsiya ng Luzon para sa kabuuang distansiyang 2,758.69 kms.
Sinabi ni Bert Lina noong Lunes sa launching at press conference sa Air21 Makati office, unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap para sa Tour, hindi lamang para maging pinakamalaking cycling race sa sports history ng bansa kundi bigyan din ng paraan ang pribadong kumpanya na ipakita ang kanilang sports commitment.
Kasama ni Quirimit sa Tanduay sina assistant skipper Reynaldo Navarro, Wilfredo Calosa, Marcial Robosa, Saul Severino, rookie Julie Panong at ang ageless na si Bernard Llentada, ang 1991 champion. Si Florante Solomon ang coach ng team.
Hihinto ang Tour sa Naga City, Daet, Lucena, Tagaytay, Quezon City, Olongapo, Dagupan, Cabanatuan, Solano, Tuguegarao, Aparri, Laoag, Vigan, Baguio City at Tarlac City.