^

PSN Palaro

Coach nga ba o players?

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Halos hindi na ako nakakapanood ng PBA games sa TV. Kaya naman nang minsan na mahagip ko ang television kung saan naglalaro ang Ginebra at Talk N Text noong Linggo, eh nainis lang ako.

Eh, bakit ba naman hindi ako maiinis.

Tatlong malalaking errors ang ginawa ni import Torraye Braggs sa laban na ‘yun na sana ay nagdala sa Ginebra sa panalo at higit sa lahat kay coach Siot Tanquingcen.

Pero dahil sa kabobohang iyon, lulugo-lugo ang Gin Kings na lumabas ng playing court dahil talunan sila.

Bakit ko nasasabi ito ngayon.

Well, di n’yo ba napansin, maraming palitan ng coach ang nangyari. Una si Siot kapalit ni Allan Caidic sa Ginebra, na sinundan ni Leo Austria kapalit naman ng Amerikanong si John Moran sa Shell at ang pinakahuli ay si Joe Lipa na kapalit naman ni Bonnie Garcia sa FedEx.

Lahat ng ito ay nangyari sa Fiesta Conference, ang tinaguriang transition conference ng PBA na pormal na magbubukas sa Oktubre.

May naaalala lang kasi ako tungkol sa mga coach.

Di ba sa mga nagdaang panahon din sa PBA napipilitan ang mga teams na magpalit ng coach lalo na kung hindi nagsisipanalo ang mga teams, bagamat mas marami noon ang mga pinalitang coach na napagkampeon muna ang kanilang koponan bago sila napalitan.

Sa maikling sabi, pinapalitan nila ang coach lalo na kung hindi nananalo ang koponan, dahil nga sa siguro may problema nga sa coaching kaya hindi nanalo ang team.

Pero paano kung nagpalit na ng bagong coach eh hindi pa rin nanalo ang team?

At kitang-kita naman na ang mga players ang hindi convincing ang mga laro?

Ano sa palagay nyo ?

Coach nga ba ang may diperensiya o ang players?

Nagtatanong lang po.

ALLAN CAIDIC

BONNIE GARCIA

COACH

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

GINEBRA

JOE LIPA

JOHN MORAN

LEO AUSTRIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with