"Again, this partnership with the Philippine Tennis Association (PHILTA) is a continuation of our commitment to promote tennis development in the country. I have always maintained that tennis is one sport we Filipinos can excel in. While we may have been beaten the last time, this is another opportunity for our players," ani Lhuillier na tatayong team manager ng koponan.
Inihayag ng Philta na ang RP Davis Cup Team ay binubuo nina Johnny Arcilla, Joseph Victorino, Adelo Abadia at Patrick John Tierro. Ang Team coach ay si Martin Misa habang ang captain ay si Johnny Jose.
Mula sa 1-3 pagkatalo sa Kuwait sa kanilang 1st round match, ang Hong-kong na binubuo nina Derek Ling, Hiu Tung Yu, John Hui, Asif Ismail at Jack Cheuk Wai.
Nanalo ang Philippines laban sa Hongkong nang sila ay magharap noong 1998, 4-1 para sa Asia/Oceania Zone Group II playoffs.
Ang draw ay gaganapin sa Abril 8 sa Amorsolo A Ballroom ng Holiday Inn Manila Galleria Hotel. Ang una at ikalawang singles matcheses ay lalaruin sa April 9 simula alas-10:00 ng umaga at ang doubles ay naka-schedule sa ala-una ng hapon sa Abril 10 at ang reverse first at second singles ay lalaruin sa Abril 11 simula alas-10 ng umaga.
Ang lahat ng laro ay gaganapin sa Ynares Socio-Cultural Sports Center sa Pasig City.