Sa hindi magandanng pinagsamahan nina Lipa at Gonzales, limot na
April 6, 2004 | 12:00am
Ibinaon na sa limot!
Kung anuman ang hindi magandang nangyari sa pagitan nina Wesley Gonzales at coach Joe Lipa noong UAAP days ito ay matagal nang nakabaon sa lupa.
Katunayan, PBA rookie draft, nang mapili ng FedEx si Gonzales bilang No. 9 pick overall, may tinawagan ito sa kanyang cellphone. Isang importanteng tawag.
At ito ay kay Joe Lipa.
Sa likod ng mga pagsasama ng dalawang karakter ng misteryosong pahina sa kasaysayan ng college basketball, inihayag ni Gonzales na walang masamang namamagitan sa kanila ni Lipa, na siyang nagpapatakbo ngayon ng Express.
"Im actually excited that hes our coach," ani Gonzales.
Ngunit marami ang nagtaas ng kilay sa kanyang tinuran.
Masyadong malalim para kay Lipa ang hindi magandang nangyari sa kanila (kung anuman yun) para ma-cut si Gonzales, ang do-it-all swingman na hindi limitado ang nalalaman, mula sa Ateneo noong 2001 season. At nang magdebut si Lipa bilang coach noong Linggo, limang minuto lamang naglaro si Gonzales.
Ngunit nanindigan si Gonzales na kung anuman ang nangyari sa kanila noong panahon niya sa Blue Eagles ay inilibing na niya sa limot.
"That part of my career is through. In fact coach Joe and I didnt talk about it anymore. Thats a thing of the past and I chose to keep it there," ani Gonzales.
Ayaw nang ilahad pa ni Gonzales ang mga detalye kung ano ang nangyari noong panahon na yon. I dont want to talk about it anymore."
Ngunit may mga ulat na may mga personal silang away na hindi na maaayos pa.
Gayunpaman, malaki ang paniniwala ni Gonzales na naayos na ang lahat.
"In fact , he was the first guy I called when FedEx chose me during the rookie draft. I told him, "coach, thanks for all your help. I couldnt have done this without you," anang FedEx Gameboy. "I really feel that if it werent for the hardship I went through and the lessons he taught me, I wouldnt be here right now," anang 23 anyos na rookie.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended