^

PSN Palaro

12 teams handa na sa Tour Pilipinas 2004

-
Inihayag ang 12-koponan at ang kani-kanilang team members na maglalaban-laban sa P1 million team prize ng 2004 Tour Pilipinas na magsisimula sa Abril 15 hanggang Mayo 2 sa press conference na ginanap sa opisina ng Air21 sa Makati kahapon.

Pangungunahan pa rin ni defending champion Arnel Quirimit bilang team captain, ang Tanduay Rhum Riders para sa kanyang kampanyang makapagtala ng makasaysayang back-to-back title sa bagong chapter ng Tour.

Si Merculio Ramos naman ang mamumuno sa Samsung team, War-ren Davadilla sa Purefoods, Rhyan Tanguilig sa PLDT, Albert Primero ng Dole Pineapple, Carlo Guieb sa Marsmann- Drysdale, Enrique Do-mingo sa Postmen, Santy Barnachea sa Mail & More, Placido Valdez sa Patrol 117, Renato Dolosa sa Metro Drug, Victor Espiritu sa Beer Na Beer at Felix Celeste sa Vat Riders.

Sa Lunes, lalarga na ang 600-vehicle entourage ng Tour patungong Sorsogon, Sorsogon kung saan magsisimula ang 21-days 17-stage race na may kabuuang P4.8 milyong premyo.

Dumating din sa launching ng ikalawang taon ng Air21 Tour Pilipinas sina Air21 at Tour chairman Bert Lina, Air21 president at Tour organizer Lito Alvarez, Tour executive director Mar Mendoza at ABS-CBN top honcho Peter Musngi.

Ang mga dating teams ay ang Samsung, PLDT, Patrol 117, Postmen at VAT Riders at ang mga baguhan ay ang Dole Pineapple, Beer na Beer, Purefoods, Mail and More, Marsman-Drysdale at Metro Drug.

Ayon kay Mendoza gagamit na ngayon ng photo-finish machine sa finish line ng karera para makaiwas sa kontrobersiya. "Right now, even the closest of finishes can be distinguished to avoid any controversy because of the machine that we have set up."

ALBERT PRIMERO

ARNEL QUIRIMIT

BEER NA BEER

BERT LINA

CARLO GUIEB

DOLE PINEAPPLE

DRYSDALE

ENRIQUE DO

FELIX CELESTE

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with