^

PSN Palaro

Rushby, Chan kampeon sa Mitsubishi netfest

-
Tinanghal na kampeon sina Tom Rushby ng Great Britain at Chan Yung Jan ng Chinese Taipei sa boys at girls‚ singles ayon sa pagkakasunod sa pagtatapos ng 15th Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ginamit ng 9th seed na si Rushby ang kanyang malakas na forehand upang igupo ang 7th seed na si Tushar Liberhan ng India, 6-4, 7-6 (10-8) sa loob ng isang oras at 40 minutong salpukan sa boys’ title.

Si Rushby, na nakarating sa quarterfinals noong nakaraang taon ay ang ikalawang Briton na nanalo ng titulo sapul nang una itong makuha ni Martin Lee noong 1995. Nakaipon din siya ng kabuuang 150 International Tennis Federation (ITF) points. Nakopo naman ng world juniors No. 7 na si Chan ang korona sa kababaihan matapos iposte ang 4-6, 6-4, 6-2 tagumpay laban sa second seed na kababayan na si Hsu Weh-Hsin.

"It feels good to win again," anang 14-year-old na si Chan, na nanalo din sa Thailand at Malaysia. siya ang ikalawang Taiwanese na kumopo ng Mitsubishi Lancer netfest sapul nang una itong makuha ni Su Wei Hsieh may dalawang taon na ang nakakalipas.

Nakopo naman nina Chan at Hsu, ang doubles title noong Sabado matapos ang 7-6 (3), 3-6, 6-3 pamamayani kina No. 10 Japanese pair Yurika Sema at Megumi Fukui.

Sa boys’ doubles, ang third seed na sina Lachlan Ferguson at Joel Kerley ng Australia ay namayani kina fifth seed Antal Van Der Duim at Coen Van Kuelen ng Netherlands, 7-5, 5-7, 2-2 (ret.).

ANTAL VAN DER DUIM

CHAN YUNG JAN

CHINESE TAIPEI

COEN VAN KUELEN

GREAT BRITAIN

HSU WEH-HSIN

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

JOEL KERLEY

LACHLAN FERGUSON

MARTIN LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with