^

PSN Palaro

Nwosu nais ibalik ng Red Bull

-
Nais ng Red Bull na maibalik sa kanilang lineup bilang reinforcement si Julius Nwosu.

At matapos na matalo sa Coca-Cola noong Sabado, seryoso ang Barakos na muling makuha ang serbisyo ni Nwosu para sa kanilang kampanya sa Gran Matador-PBA Fiesta Cup.

Ang Nigerian na si Nwosu ay hindi na bago sa Red Bull kung saan nakapaglaro na ito sa Barakos ng dalawang beses. Kung makakarating, puwede nang ipantapat si Nwosu kina Art Long ng San Miguel, Jerald Honeycutt ng Talk N Text at Torraye Braggs ng Barangay Ginebra, hindi lamang sa lapad ng katawan kundi sa husay din. Nakalistang 6’9, makakalusot ito sa height limit ng naturang kumperensiya.

Kung makakasakay sa eroplano patungo dito, si Nwosu ang ikalimang import na ipinalista ng Barakos na nagsimula kay Carlos Wheeler na isang beses naglaro bago pinalitan ni Bingo Merriex na nakadalawa. Naglaro din para sa Barakos si Douglas Wrenn na pinalitan ni De Angelo Collins na tinulungan ang Red Bull na manalo ng dalawang beses sa tatlong asignatura.

Sa PBA, unang naglaro si Nwosu sa Purefoods TJ Hotdogs bago kinuha ng Red Bull. (ULat ni AC Zaldivar)

vuukle comment

ANG NIGERIAN

ART LONG

BARAKOS

BARANGAY GINEBRA

BINGO MERRIEX

CARLOS WHEELER

DE ANGELO COLLINS

DOUGLAS WRENN

FIESTA CUP

NWOSU

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with