Nakabangon ang Alaska sa kanilang dalawang sunod na talo para manatili sa ikalawang puwesto matapos itala ang 6-3 win-loss slate sa likod ng nangungunang San Miguel na walang talo sa walong laro.
Humataw si import Galen Young ng 31-puntos, 11 nito sa ikatlong quarter kung saan nakakawala ng husto ang Aces para ipalasap sa FedEx ang ikaanim na talo sa pitong pakikipaglaban.
Umabante ng 19-puntos ang Alaska sa ikatlong quarter, 84-65 mula sa mapanganib na 61-58 bentahe nang dahil sa malaking opensiba ng Aces sa pangunguna ni Young.
Bahagyang nakalapit ang Express sa kanilang pagpupursiging maka-habol, 74-87 sa pagtutu-lungan nina import Mike Maddox at Renren Ritualo.
Ngunit muling bumanat si Young katulong si Ali Peek upang hatakin palayo ang Alaska sa 89-74 papasok sa huling mahigit apat na minuto ng labanan.
"Its really intimidating to coach against Joe Lipa. Hes still a very good coach," wika ni Alaska coach Tim Cone.
Sinuportahan ni Peek si Young sa kan-yang 21-point performance kasama si Mike Cortez na may 15-puntos.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text at Ginebra bilang main game kagabi.
Samantala, magpapahinga ang PBA bilang paggunita sa Semana Santa.
Magbabalik ang laro sa Easter Sunday, Abril 11, sa Araneta Coliseum.