FedEx iniwan ng Alaska
April 5, 2004 | 12:00am
Diniskaril ng Alaska ang pagbabalik ni Joe Lipa sa PBA nang igupo ng Aces ang FedEx Express 103-88 sa pag-usad ng eliminations ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PBA kagabi sa Araneta Coliseum.
Nakabangon ang Alaska sa kanilang dalawang sunod na talo para manatili sa ikalawang puwesto matapos itala ang 6-3 win-loss slate sa likod ng nangungunang San Miguel na walang talo sa walong laro.
Humataw si import Galen Young ng 31-puntos, 11 nito sa ikatlong quarter kung saan nakakawala ng husto ang Aces para ipalasap sa FedEx ang ikaanim na talo sa pitong pakikipaglaban.
Umabante ng 19-puntos ang Alaska sa ikatlong quarter, 84-65 mula sa mapanganib na 61-58 bentahe nang dahil sa malaking opensiba ng Aces sa pangunguna ni Young.
Bahagyang nakalapit ang Express sa kanilang pagpupursiging maka-habol, 74-87 sa pagtutu-lungan nina import Mike Maddox at Renren Ritualo.
Ngunit muling bumanat si Young katulong si Ali Peek upang hatakin palayo ang Alaska sa 89-74 papasok sa huling mahigit apat na minuto ng labanan.
"Its really intimidating to coach against Joe Lipa. Hes still a very good coach," wika ni Alaska coach Tim Cone.
Sinuportahan ni Peek si Young sa kan-yang 21-point performance kasama si Mike Cortez na may 15-puntos.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text at Ginebra bilang main game kagabi.
Samantala, magpapahinga ang PBA bilang paggunita sa Semana Santa.
Magbabalik ang laro sa Easter Sunday, Abril 11, sa Araneta Coliseum.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended