Malinis na panimula susundan ng Hapee at Sunkist-UST
April 3, 2004 | 12:00am
Matapos ang mga paboritong Welcoat Paints at Viva Mineral Water-FEU, ang defend-ing champion Hapee Toothpaste at Sunkist-UST naman ang magtatangkang manatiling imakulada ang karta sa kanilang magkahiwalay na pagsalang ngayon sa Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Makati Coliseum.
Haharapin ng Teeth Sparklers ang Lee Pipes-Ateneo sa unang laban na itinakda sa ganap na alas-dos ng hapon habang ang Tigers naman ay kakatagpuin ang Montana Pawnshop sa tampok na sultada sa ika-4 ng hapon.
May misyong maipagtanggol ang titulo ng Unity Cup -- na kanilang napagwagian noong isang taon-- at mapalawig ang kanilang paghahari sa liga sa tatlong komperensya, ang Hapee ay nagkaroon ng magandang debut sa torneong ito noong Mar-tes nang kanilang gapiin ang Montana, 68-61.
Sa naturang laban, ang Teeth Sparklers ay pinangunahan ni Pep Moore at ng mga bagu-han sa tropang sina Jeff Napa, Mark Macapagal at Emerson Oreta, na ang husay na ipinakita ay tumakip sa butas na iniwanan ng mga dating star players na kanilang sinandigan sa nakalipas na season subalit ngayoy nasa PBA na ang ilan habang ang iba pa ay nasa koponang makakasagupa nila ngayon.
Sina Larry Fonacier, LA Tenorio, JC Intal, at Niño Gelig ay miyembro ng Fash Liquid Detergent (dating pangalan ng Hapee). Subalit kanila nang kakalabanin ang koponang ito, na tinulu-ngan nilang magkam-peon sa nakaraang Platinum Cup sapagkat sila na ngayon ang mga pambato ng Lee Pipes.
Sa salpukang Tigers at Jewelers naman, tampok ang pagtatagisan nina Jemal Vizcarra, Allen Patrimonio at Jerome Paterno ng una kontra kina Jon Dan Salvador, Ismael Junio at Al Magpayo ng huli. (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended