^

PSN Palaro

Winning streak ng Shell dudugtungan ni Austria

-
Sisikapin ng baguhang coach na si Leo Austria na dugtungan ang winning streak ng Shell sa kanilang pakikipagharap sa inaalat na Sta. Lucia Realty sa pagpapatuloy ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena.

Nakataya naman ang ikalimang panalo at solong ikaapat na puwesto sa sagupaan ng Red Bull at Coca-Cola sa ikalawang laro, dakong alas-6:30 ng gabi.

Ikatlong sunod na panalo ang nais mahugot ng Turbo Chargers na kasalukuyang may 3-5 win-loss slate laban sa Realtors na determi-nadong makaahon sa pangungulelat dahil sa kanilang 1-7 kartada.

Naging positibo ang debut ni Austria bilang coach ng Shell nang kanilang talunin ang Ginebra sa tulong ng kanyang dating player na si Ronald Tubid.

Gayunpaman, may nararamdamang pangamba si Austria sa kalaban dahil sa kanilang malalaking player na sina Marlou Aquino at Dennis Espino dagdag pa ang kanilang eksplosibong import na si Derrick Brown.

Isa pa’y sa kanilang nakaraang panalo, na-injured si Ronald Tubid dahil sa masamang bagsak nito matapos ang jumpshot gayundin si Chris Calaguio na nagka-sprained ankle.

Hindi pa rin maaasa-han ng Sta. Lucia si Kenneth Duremdes dahil hindi pa lubusang handa ito mula sa right calf muscle injury at sa April 21 pa ito nakatakdang isalang laban sa Purefoods.

Kung makakalaro sina Tubid at Calaguio, malaking tulong ito kina Marek Ondera, Alvarez, Kalani Ferreria, Mike Hrabak at Tony dela Cruz para sa Turbo Chargers.

vuukle comment

CHRIS CALAGUIO

DENNIS ESPINO

DERRICK BROWN

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

KALANI FERRERIA

KENNETH DUREMDES

LEO AUSTRIA

LUCIA REALTY

RONALD TUBID

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with