Blu Star Advance bumula sa Viva Water
April 2, 2004 | 12:00am
Maagang umarangkada ang Viva Mineral Water-FEU at kanilang nilig-tasan ang matinding paghahabol ng Blu Star Ad-vance upang ma-irehistro ang 83-76 panalo kahapon sa Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Makati Coliseum.
Umiskor si Mark Isip ng 23-puntos habang si Arwind Santos ay nag-dagdag ng 19 kabilang ang pito sa huling 2:17 para trangkuhan ang Water Force sa ikalawang sunod na tagumpay. Ang Detergent Kings ay nahulog sa 0-2.
Sa pangunguna ni Isip, agad na umabante ang Viva sa unang mga segundo ng laro, bagay na hindi na nila pinakawalan pa hanggang sa huli, sa kabila ng mga tangkang pagbangon ng Blu Star, sa pamumuno ni Eric dela Cuesta.
Matapos lumayo ng hanggang 14-puntos, natagpuan ng Water Force ang kanilang sarili tangan lamang ang manipis na dalawang puntos na kalamangan sa ilang okasyon. Pinakahuli ay ang 78-76 abante matapos ang lay-up ni Dela Cuesta may 1:17 ang nalalabi.
Sa ikalawang lalaro, naisukbit din ng Welcoat ang ikalawang sunod na panalo, 76-69 laban sa bagitong Toyota Otis-Letran. (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended