Ang 31 anyos na mentor ng Gin Kings ay lumasap ng kanyang ikat-long sunod na kabiguan sa Shell Turbo Chargers noong Linggo 102-98 na lalong nagbaon sa Gin Kings sa 3-5 baraha.
Nakakalungkot na kabiguan lalo nat tinalo nila ang kalaban sa re-bound (58-48) at tatlo sa kanilang players ay nakapagtala ng impresibong puntos. Ang bagong import na si Torraye Braggs at Mark Caguioa ay may magkatulad na 26 puntos bawat isa habang si Eric Menk naman ay may 23.
"I just told them (players), we just have to train hard right now with the way things are going," wika ni Tanquingcen. "Keep a positive attitude and just believe in each other," dagdag pa niya.
Kailangang kumayod ng husto at magkaroon ng positibong attitude Ang Gin Kings ay nangangailangan ng load sa kanilang balikat sa kanilang pakikipaglaban sa Talk N Text sa Linggo.
"Well the key against Talk N Text is no secret naman. You have to stop three big time players Jimmy (Alapag), Asi (Taulava), and the import Jerald (Honeycutt)," ani Tanquingcen.
At habang ninanamnam ng Phone Pals ang magandang katayuan sa kalagitnaan ng team standings, kailangang maresolba naman ng Gin Kings coach ang kahinaan ng kanyang koponan.
"Siguro yung mindset of being defensive oriented," aniya. "Right now its still not evident kasi puro hundreds yung score."
"I think weve got good players on our team. Siguro theyre having a hard time lang and I dont blame them with the change," pagpapaliwanag ni Tanquingcen sa nagaganap na transition ng kanyang team.