Pinay archer may tiket na rin sa Athens Olympics
April 1, 2004 | 12:00am
Isang archer pa, sa katauhan ni Jasmine Figueroa ang nadagdag sa bilang ng mga Filipino Athletes na sasabak sa darating na 2004 Olympic Games sa Athens, Greece sa Agosto.
Ito ang pormal na inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit sa ginanap na General Assembly sa Cafe J Restaurant sa Makati City.
Dahil dito, ang kabuuang bilang ng atletang ipapadala sa quadrennial meet ay umabot na sa 12.
"Now that we have 12, maybe 16 or 18 could be easy for us to have in the Athens Olympic Games," ani Dayrit.
Makakasama ni Figueroa, kabilang sa womens archery team na nag-reyna sa 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam noong 2003 sina boxers Violito Payla, Romeo Brin at Christopher Camat, swimmers Miguel Mendoza, Miguel Molina at Carlo Piccio, taekwondo jins Donald Geisler, Maria Antonette Rivero at Tsomlee Go at tracksters Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended