PBL Unity Cup: Ikalawang sunod na panalo asam ng mga paborito
April 1, 2004 | 12:00am
Ikalawang sunod na panalo at pagluklok sa maagang liderato ang puntirya ng mga paboritong Viva Mineral Water-FEU at Welcoat Paints sa pagsabak nila sa magkahiwalay na engkwentro ngayon sa Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Makati Coliseum.
Unang papalaot ang Water Force kung saan haharapin nito ang Blu Star Advance sa laban itinakda sa ganap na ika-2 ng hapon. Ito ay susun-dan ng pakikipagtipan ng Paintmasters sa baguhang Toyota Otis-Letran sa alas-4 ng hapon.
Gamit ang solidong opensa at depensa, ang Viva ay nagkaroon ng matingkad na pagbubukas ng kampanya sa season-opening tournament na ito nang padapain nila ang Toyota, 77-62, noong linggo. Ito ang kaunahang pagkakataon sa tatlong komperensya na nagwagi ang Water Force sa kanilang unang laro.
Ang Detergent Kings naman ay umaasang makakakuha na sa pag-kakataong ito ng magandang performance mula sa mga pangunahing manlalaro nito. Sa kanilang tinamong 76-60 pagyuko sa Welcoat kamakalawa, tanging sina Eric dela Cuesta at KG Canaleta lamang ang nakapag-tala ng 10 o higit pang puntos habang sina Marc Victoria, Jenkins Mesina at ang bagong recruit na si Dondon Villamin ay nagsalo lang sa 10 puntos sa nakakadismayang 4 of 21 shooting. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended