"Were doing this as yard-stick for foreign coaches. Ayaw na namin kasi pa nang puro away," sabi ni BCAP president Chito Narvasa na panauhin sa PSA Forum sa Manila Pavilion.
Kasama ang legal officers na sina Atty. Ogie Narvasa at Gilbert Santos gayundin sina BCAP officer Tany Gonzales.
Sinabi ni Narvasa, iprinisinta nila ang five-point scheme na nais gamitin ng grupo para sukatin ang susunod na foreign coach na hahawak ng local team na ginagawa ng Talk N Text at Formula Shell sa Philippine Basketball Association (PBA).
Isa sa mga batayan para sa foreign coach ay kailangang naging head o assistant coach na ito sa National Basketball Association (NBA), may 10-year tenure sa U.S. NCAA o may five-year stint sa Continen-tal Basketball Association (CBA).
Ayon kay Narvasa, malaking tulong ito sa Department of Labor and Employment (DOLE), na maaaring gamitin ito bilang guidelines sa pag-a-apply ng foreign coach para sa working permit.