Makakaharap ni Dandan, naglaro sa prestihiyosong Orange Bowl Championships may dalawang taon na ang nakalipas, si No. 8 Lachlan Ferguson ng Australia na naka-bye sa first-round kasama si top seed Karan Rastogi ng India, No. 2 Remko De Rije ng Netherlands, No. 3 Joel Kerley ng Australia, No. 4 Willim Ward ng New Zealand, No. 5 Coen Van Kuelen ng Netherlands, No. 6 Divij Sharan at No. 7 Tushar Liberhan ng India.
Ang apat pang local wild cards na nabigong umusad sa second round ng event na ito na supor-tado ng Accel at Wilson balls ay sina Michael Basco, Irwin de Guzman, Miguel Narvaez at Ralph Kevin Barte.
Lumuhod si Basco kay Australian David Jeflea, 1-6, 1-6, natalo si De Guz-man kay Australian Steven Popovic, 3-6, 4-6, bumagsak si Narvaez kay British qualifier Richard Wire, 5-7, 4-6, at yumuko si Barte sa kanyang kababayan at kapwa qua-lifier na si Elliot Wronski, 4-6, 5-7.
Sa iba pang mat-ches, nahirapan si Martin Sa-yer ng HongKong bago igupo ang Taiwanese na si Chang Huai-En, 6-2, 7-6 (4), tinalo ni Aus-tralian Steven Goh ang Japanese na si Naoki Sato, 7-6 (3), 6-2, naghabol naman ang Romanian na si Victor Bogi Leonte bago pabag-sakin si Kevin Doh ng New Zealand, 5-7, 6-2, 6-0, Nakalusot ang Indonesian na si Aryton Wibowo kay Michana Leong ng Solomon Island, 1-6, 6-2, 6-2, at tinalo ng Irish na si Tristan Mahon Farron si Indian qualifier Sanam Singh, 7-5, 6-1, para makausad sa ikalawang round.
Ang iba pang winners ay sina Luka Ocvirk ng Slovenia kontra kay James McGee ng Ireland, 6-1, 6-3, German Philip Piyamongkol laban kay Australian David Galic, 6-4, 6-0, Syrym Abdulkhalikov ng Kazakhstan kay Keith Meisner ng Great Britain, 6-1, 6-3, Australian Andrew Coelho kay Peter Todd Ley laban kay Martin Pedersen ng Denmark, 6-1, 6-2, at Lai Xiao Peng ng HongKong kay Gojorge Godenho ng Portugal, 6-1, 6-2.
Sa girls division, maagang nasibak ang mga Filipino bets na sina Alyssa Anne Labay, Melissa Orteza, Julie Em Botor at Catherine Flores.