^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Alaska hihirit sa SMB

-
Tampok ang engkwentro ng top teams at kulelat na koponan sa dalawang sultadang nakatakda ngayon sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Mauunang maghaharap ang mga cellar dwellers na FedEx at Sta. Lucia sa ganap na alas-4:45 ng hapon habang ang engwentro ng nangungunang koponang San Miguel at pumapangalawang Alaska ang main game sa alas-7:00 ng gabi.

Tangka ng Beermen na maiposte ang kanilang ikawalong sunod na panalo at muli nilang sasandalan ang import na si Art Long na napag-multa matapos ang isang insidente sa kanilang laban kontra sa Sta. Lucia noong Linggo.

Si Long ay pinag-fine ng P5,000 nang sugurin nito ang locker room ng Realtors sa halftime ng kanilang laban kung saan nakainitan nito si Marlou Aquino at ang coach ng Sta. Lucia na si Alfrancis Chua.

Sinabi ni Long na hindi naman niya balak makipag-away kundi nais lamang niyang makausap si Aquino.

Inaasahang sa pagkakataong ito ay makakaiwas na si Long sa isa na namang insidente sa kanilang pakikipagharap sa Alaska na nag-iingat ng 5-2 kartada.

Makakatapat ni Long ang all-around import ng Alaska na si Galen Young.

Sa unang laro, sisikapin ng Realtors (1-6) at Express (1-5) na maia-ngat ang kanilang nahuhuling kartada. (Ulat ni CVO)

ALFRANCIS CHUA

AQUINO

ARANETA COLISEUM

ART LONG

BEERMEN

GALEN YOUNG

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

MARLOU AQUINO

SAN MIGUEL

SI LONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with