Hindi hinayaan ni defending champion Glenn Aguilar na mabigo ang kanyang mga kababayan nang ratsadahan niya ang hamon ng mga dayuhan noong Linggo sa 2004 FIM Puerto Princesa City International Motocross Championships-Motocross Masters of Asia sa Puerto Princesa City Hall.
Winalis ng 30 anyos na si Aguilar ang dalawang karera--upang balewalain ang mainit na paghahabol nina Christian Horwood ng Australia at ng mahigpit niyang karibal na si Aep Dadang ng Indonesia sa prestihiyosong international event na itinataguyod ng City of Puerto Princesa, Dusit Hotel Nikko, The Legend Hotel-Palawan, Philippine Airlines, Bridgestone, Cebu Pacific, Oakley, Polysport, Highland Products, Yehey.Com, Negros Navigation, the Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at Department of Tourism.
Humakot ng 50 points sa karerang ito na sanctioned ng FIM at inorganisa ng NAMSSA, ang seventime motocross national champion ay naka-ipon ng kabuuang 92 points matapos ang two round ng 2004 FIM-UAM Motocross Championships -- isang malawak na abante sa pumapangalawang Japanese national rider na si Tadakazu Otsuka na may 78 points nang magtapos na sixth at fifth sa karera bunga ng clutch problems.
Si Dadang, nagtapos na third sa dalawang karera, ay tumabla kay Otsuka sa second na may 78 points habang si Horwood ay umusad sa fourth mula sa seventh na may 69 points. Si James Robinson ng New Zealand ay umakyat sa 11th mula sa fifth overall na may 41 points habang ang Thai rider na si Chaiyan Romphan ay nasa 6th overall na may 36 points.
Nakopo naman ni Sean Lipanovich ng Guam ang korona sa Junior International race nang maungusan niya si Amir Yussof of Malaysia at Trakkan Thangtong ng Thailand.