Tagaytay champion sa Asian Cities Chessfest
March 29, 2004 | 12:00am
TAGAYTAY-- Nagsulat ng kasaysayan sa sports ang host Tagaytay nang makopo nito ang 14th Asian Cities Chess Championships sa harap ng nagbubunying manonood sa Tagaytay International Convention Center.
Naging mainit at dikitan ang laban sa ika-9th at final round kontra sa Guangzhou ng China at ng magtagumpay ang host sa pamamagitan ng pagwawalis sa Sanaa ng Yemen, 4-0 sa kanilang huling asignatura na sinundan ng panalo ng Dubai sa Kanchipuram ng India, 2.5-1.5.
Binokya din ng Chinese ang Doha, Qatar, 4-0 at isara ang 9-round Swiss system tournament na nasa unahan sa kanilang magkakatulad na 25 puntos bawat isa ngunit nagtapos ang Tagaytay ng may kalahating puntos na bentahe sa paggamit ng Bucholz tiebreak system at itaas ang prestihiyosong Dubai Cup.
Pinangunahan nina Grandmaster Eugene Torre, Joey Antonio at International Masters Ronald Dableo at Jayson Gonzales ang Tagaytay ay tumapos ng may 185 Bucholz points habang ang Chinese naman ay may 185.4 sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines.
Nakuntento naman sa 3rd place ang Mandaluyong para maungusan ang giant-killer na Pasay City at defending champion Pavlodar ng Kazakhstan na may magkatulad na bilang ng puntos at ginamitan din ng magkatulad na tiebreak system.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended