^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: FedEx nanghina sa Purefoods

-
Humataw ang Purefoods TJ Hotdogs sa second quarter para sa impresibong 108-92 panalo laban sa FedEx kagabi sa pag-usad ng eliminations ng PBA Gran Matador Fiesta Conference kagabi na dumako sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Elisma ang TJ Hotdogs sa pagkamada ng 36-puntos, 22 nito ay sa first half lamang bukod pa sa 14-rebounds para sa ikatlong panalo ng TJ Hotdogs matapos ang anim na pakikipaglaban.

Mula sa 24-30 pagkakahuli sa pagtatapos ng unang quarter, humataw ang Purefoods ng 27-puntos na pinangunahan ni Elisma sa kanyang 10 markers matapos kumubra ng 12 sa unang canto, kontra sa 14-puntos lamang ng Express para sa 51-44 kalamangan sa halftime.

Ipinagpatuloy ni Elisma ang kanyang pananalasa sa ikatlong quarter para tuluyan nang umabante ang TJ Hot-dogs sa 67-53, 4:09 minuto ang nalalabi sa naturang yugto.

Pinakamalaking bentahe ng Purefoods ay sa 98-80 mula sa fastbreak lay-up ni Paul Artadi na tumapos ng 15-puntos, 10 nito ay sa ikaapat na canto.

Lalo namang nabaon ang Express sa 1-5 win-loss slate na katabla na ngayon ang Sta. Lucia sa pangungulelat.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Coca-Cola at Talk N Text.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Araneta Coliseum kung saan magsa-sagupa ang Realtors at San Miguel sa alas-4:10 ng hapon habang muling maghaharap ang Shell at Ginebra sa ikalawang laro, alas-6:30 ng gabi.

Ipaparada ng Gin Kings ang kanilang bagong import na si Torraye Braggs na papalit kay George Reese habang magde-debut naman si Leo Austria bilang coach ng Turbo Chargers. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

ARANETA COLISEUM

CARMELA V

ELISMA

GEORGE REESE

GIN KINGS

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

PAUL ARTADI

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with