^

PSN Palaro

GALING NG WELCOAT!

FREE THROWS - AC Zaldivar -
OKAY din naman ang naging gesture ng Welcoat House Paints na hindi pinigilang umalis ang kanilang coach na si Leo Austria kahit na ilang araw na lamang ay magsisimula na ang Philippine Basketball League (PBL) Unity Cup.

Biruin mong matagal na rin namang naghahanda ang House Paint Masters para sa torneong ito matapos na sumegunda sila sa Fash Liquid sa nakaraang Platinum Cup. Pitong manlalarong nag-apply sa PBA Draft ang nawala sa kanila at kinailangang mag-recruit sila ng mga baguhan.

At ngayon nga’y pati si Austria ay nawala.

Biglaan kasi ang naging pagkuha ng Shell Velocity kay Austria matapos na sibakin ng Turbo Chargers ang Amerikanong si John Moran bilang head coach. Kung anu-ano kasing kabulastugan ang ginagawa ni Moran, e. Ibinabangko niya ang mga players na hindi kailangang ibangko. Nag-eensayo sila sa hatinggabi. Ayon sa karamihan na nakakausap natin ay wala naman talagang plays ang Shell kundi puro motion. Wala ring silbi ang pagkuha ng isang dayuhang coach.

Kaya maganda na rin ang nangyari at kinuha ng Shell si Austria na isa sa mga pioneers ng prangkisa na nagsimula noong 1985. Sa taong iyon ay nahirang na Rookie of the Year sa PBA si Austria, isa sa anim na manlalarong direktang kinuha ng Shell buhat sa amateur league.

Malaking sakripisyo nga para sa Welcoat ang pagpapakawala kay Austria.

Pero okay na rin ito. Kasi, dahil sa maraming bagong players at bagong coaching staff ay parang nag-uumpisa na talaga ulit ang Welcoat. Alam ng mga team owners na sina Raymond Yu at Terry Que na hindi kaagad magiging kampeon ang Welcoat subalit lalaban pa rin sila nang husto. Iyon naman ang tradisyon ng koponang ito.

Ipinagkatiwala ng Welcoat ang pusisyon bilang head coach kapalit ni Austria kay Carlos Garcia, isang produkto ng College of St. Benilde. Si Garcia ay matagal na rin namang naging understudy ni Austria kahit na noong nasa Shark Energy Drink pa sila.

Magsisilbi naman bilang assistant coach si Ramon Jose na dating naglaro sa ICTSI. Nag-disband ang Archers at napunta si Jose sa Welcoat bilang player. Pero nang lumisan si Austria ay kinuha siyang assistant coach.

Hindi naman bago para kay Jose ang posisyong ito dahil noong 2002 ay naging assistant coach siya ni Paul Ryan Gregorio sa Purefoods. Minabuti lang niyang bumalik sa PBL dahil gusto pa nyang maglaro. Bata pa naman kasi siya.

So, napakabata ng coaching staff ng Welcoat sa kasalukuyan. Malaking pressure ito sa balikat nina Garcia at Jose.

Pero tiyak na magtatagumpay din sila dahil sa todo-todo naman ang suporta ng management, e.

vuukle comment

AUSTRIA

CARLOS GARCIA

COACH

COLLEGE OF ST. BENILDE

FASH LIQUID

HOUSE PAINT MASTERS

JOHN MORAN

LEO AUSTRIA

PERO

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with