Pagsisikap ng team, 1-M ang halaga
March 26, 2004 | 12:00am
Bibigyan diin ang pagsisikap ng koponan bilang prayoridad sa 2004 Tour Pilipinas kung saan may P1 milyon ang nakalaan para sa champion squad sa multi-staged cycling sports summer na pepedal sa Abril 15-Mayo 2.
Ang P1 milyon first place prize para sa team champion ay bahagi lamang ng kabuuang P4.751 milyon na inilagak ng organizing Tour Pilipinas na pinamumunuan ni Bert Lina.
"Again, we have set the champions team prize at P1 million because of our belief that team effort should be given emphasis in the Tour," ani Lina, kung saan ang Air21 ang pangunahing susu-porta sa karera.
Labing-dalawang koponan na may pitong siklista bawat isa ang maglalaban-laban sa karera na magsisimula sa Sorsogon, Sorsogon na titigl ng tatlong beses sa Cagayan Valley sa Luzon. Ito ay kapapalooban ng kabuuang 2,758.69 kilometro.
Ang trademark na Baguio-to-Baguio stage na kinukonsiderang humuhubog sa tour champions ang siya ring sentro ngayon ng 17-stage, 21 day 2004 Tour. Ang killer lap prize ay nagkakahalaga ng P25,000 sa siklistang maghahari sa 199.7 km. stage sa Abril 30.
Ang runner-up sa team competition ay tatanggap ng P500,000, na may kalahating milyong diperensiya sa team champion na tiyak na magbibigay ng patayang laban sa mga koponan.
Ang third hanggang 12th prizes ay P350,000, P300,-000, P275,000, P250,000, P225,000, P200,000, P180,-000, P160,000, P140,000 at P120,000 para sa kabuuang team prize na P3.7 million.
Ang individual champion naman ay magbubulsa ng P200,000, ang second-placer ay P150,000 at third placer ay P100,000. May nakalaan ding P10,000 sa bawat stage winner habang sa koponan na maghahari sa Laoag-Vigan team time trial 13th stage sa Abril 28 ay magbu-bulsa ng P20,000.
Ang mga individual awards ay ang King of the Mountain na nagkakahalaga ng P50,000, Sprint King na P50,000 din at Rookie of the Year, kung saan may 17 baguhan ang maglalaban para sa P50,000 cash prize.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended