Tapang ni Marquez, tinapatan ni Pacquiao
March 26, 2004 | 12:00am
Tulad ng lakas ng kanyang suntok, muling nagpakawala si Manny Pacquiao ngunit ito ay sa labas ng ring at bumuo ng magkatulad na puwersa.
"(Juan Manuel) Marquez is a great fighter and I respect him as the champ. But I am a champ too!," ani Pacquiao. "This is a big important fight and I have to win if I want to fight (Erik) Morales on July 31st."
Ito ang kasagutan ni Pacquiao sa pahayag ni Marquez na magkaka-roon ng apoy sa ring sa Mayo 8 at mabigat ang isinagawa niyang preparasyon para maging world champion kaya tanging kamatayan lamang ang makakakuha nito sa kanya.
Nagkaroon ng press launching ang kanilang nakatakdang laban sa Mayo 8 sa Westin Bonaventure Hotel sa Los Angeles kung saan ita-taya ni Maquez ang kanyang kambal na titulong IBF/WBA featherweight kontra sa Pinoy na umusad sa mas mataas na division makaraang pabagsakin si Marco Barrera noong nakaraang taon.
Nasorpresa ang mamahayag at kampo ni Marquez sa pangyayaring ang magwawagi sa Pacquiao-Marquez bout ang haharap kay Morales gayung ang nakatakda ay si Carlos Hernandez ang kakalabanin sa Hulyo 31.
"Pacquiao is a great fighter," ani Marquez. "But I am fighting not only for myself but for my wife, my children, my parents and all of my country."
"This fight is going to be one of the marquee fights of the year be-cause it is so competitive," ani Top Rank promoter Bob Arum.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended