^

PSN Palaro

Guangzhou silat sa Pasay City

-
TAGAYTAY CITY -- Kinatay ni David si Goliath sa ikalimang round ng 14th Asian Cities Chess Championship noong Martes ng gabi.

Ang Pasay City na seeded 16 ay sumagupa sa top seed at sinorpresa ang malakas na Guangzhou ng China, 3-1 na lumikha ng pagtatabla sa kanila at sa defending champion Pavlodar sa ka-lagitnaan ng event na ginaganap sa Tagaytay International Convention Center.

Ito ay pinagbidahan nina IM Barlo Nadera at unrated Oliver Dimakiling upang ibigay ang kauna-unahang upset sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines at Tagaytay City government.

Kasama nila sa first place ang karibal at second seed defending champions na Pavlodar na blinangko ang India 4-0 sa torneong suportado ng League of Cities of the Philippines, Department of Interior and Local Go-vernment, Department of Tourism, Philippine Sports Commission, Manila Sports Council, STI, Character Conven-tion at Tagaytay Haven Hotels.

Natakpan ng malaking tagumpay ng Pasay City ang panalo ng host Tagaytay City kontra sa Mandaluyong 2.5-1.5 at tumabla sa ikaapat hang-gang ikaanim na puwesto sa Samarinda ng Indone-sia at ang sorpresang Tehran ng Iran.

Nalaglag naman sa solong ikapitong puwesto ang Mandaluyong na may 11.5 puntos.

Nakipagdraw sina GM Eugene Torre, Joey Anto-nio at IM Jayson Gonza-les sa kanilang mga laban kina IMs Mark Paragua, Nelson Mariano, Richard Bitoon, ayon sa pagkaka-sunod at iwan ang laban para sa supremidad sa pagitan nina IM Ronald Dableo at Ildefonso Datu.

Tinalo ni Dableo ang nagdedepensang Asian Zonal champion na si Datu sa loob ng 134 moves ng Hedgehog Reverse Variation, ang pinakamahabang laban sa torneong ito.

ANG PASAY CITY

ASIAN CITIES CHESS CHAMPIONSHIP

ASIAN ZONAL

BARLO NADERA

CHARACTER CONVEN

DEPARTMENT OF TOURISM

EUGENE TORRE

HEDGEHOG REVERSE VARIATION

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with