PBA Fiesta Conference: Coach nga ba ang problema ng Shell ?
March 24, 2004 | 12:00am
Malalaman na kung ang sinibak na si coach John Moran nga ang problema sa masamang kapalarang nararanasan ng Shell Velocity sa pagsalang ng koponan ngayon kontra Coca-Cola sa pagpapatuloy ng 2004 Philippine Basketball Association Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum
Ang laban ay itinakda sa ganap na alas-4:45 ng hapon kung saan pansamantalang gagabayan ng itinalagang interim coach na si Jigs Mendoza ang Turbochargers, na magtatangkang bumangon sa nakakadismayang 1-4 record.
Samantala, sisikapin naman ng Sta. Lucia Realty na mairehistro na ang kanilang pambuenamanong panalo sa pag-harap nila sa Barangay Ginebra sa tampok na laro sa ika-7:10 ng gabi.
Dahil sa kabiguang maideliber ang mataas na ekspektasyon sa kanya ng management, ang kontrobersyal na si Moran ay binigyan ng pink slip kamakalawa.
"We will start all over again," anang top draft pick na si Rich Alvarez, na binangko ni Moran sa opening game ng liga, na nagresulta ng katakut-takot na batikos sa Amerikanong mentor.
Si Moran ang ikalawang PBA head coach na napatalsik sa pwesto sa loob lamang ng isang linggo. Bago siya si Allan Caidic ay pinalitan ni Siot Tanquingcen bilang punong-tagagabay ng Gin Kings. Si Caidic ay itinalaga bilang team manager ng koponan.
Ayon sa pamunuan ng Shell, si Mendoza, na assistant coach na ng koponan mula pa noong panahong nasa ilalim ito ni Perry Ronquillo, ang siyang mamando sa tropa hanggat hindi pa ito nakakahanap na permanenteng coach.
Sa kabila ng pagkuha sa serbisyo ng maasahang si Derrick Brown, bigo pa rin ang Realtors, na maiposte ang unang panalo sa komperensya at kasalukuyang kulelat sa 0-5 karta.
Ito naman ang magiging ikalawang pagkakataon ni Tanquingcen sa paggabay sa Gin Kings kung saan inaasahang makukuha na niya ang unang panalo. (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended