Marami din ang nagsasabing masyadong hilaw pa si Caidic para sa isang coaching job lalo na sa Ginebra na sa paningin ng marami ay isang malakas na team.
Ayon pa nga sa iba, puwede pang maglaro si Caidic kaya dapat daw ay binigyan muna siya ng pagkakataon na maglaro at pansamantalang mag-aral na mag-coach.
Kanya-kanyang pananaw iyan at kanya-kanyang opinyon, saganang akin, masasabing siguro nga hilaw pa si Caidic sa pagko-coach. Bata pa si Allan at marami pang darating sa kanya. Siguro nga mas gugustuhin ko munang sa loob ng limang taon niyang pagko-coach sa Ginebra ay iginugol niya muna sa paglalaro dahil isa siyang mahusay at dina-dakilang manlalaro hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.
Pero sa ngayon, well, ibang usapan na.
Sa tantiya ko, bukod sa pagiging team manager ni Allan eh dapat sigurong sumailalim siya sa coaching clinic sa Amerika.
Anong sey nyo?
Siguro dapat ding i-set na niya ang kanyang isip na next year magko-concentrate muna ako sa pag-aaral sa coaching bago ako tuluyang maisabak sa aktuwal na trabaho. Kaya puwedeng kapag wala siyang laro ay magsimula na siyang umatend ng coaching clinic.
Di ba?