Pinakamahuhusay na UAAP athletes pararangalan

Ang mga pinakamahuhusay sa collegiate sports mula sa general champion na University of Santo Tomas hanggang sa mga Most Valuable Players at top performers sa seniors at juniors division ay pararangalan ngayong gabi sa UAAP Season 66 Awards Night.

Makikihati sa eksena sa seremonyas na nakatakda sa ganap na alas-5 ng hapon sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo ay ang 95 na atletang kumatawan sa bansa sa ilang international competitions at ang mga nagpanatili sa kanilang impresibong scholastic standings bagamat abala sila bilang estudiyante at atleta.

Muling iuuwi ng UST ang pinakamalaking tropeo bilang general champion sa collegiate at high school divisions kung saan tampok din ngayong gabi ang paghahayag ng best male at female athletes sa seniors at top boys at girls sa juniors.

Si Jose Capistrano Jr., ang athletic director ng host Ateneo at president ng UAAP Season 66,ang magbababa ng kurtina sa school year na hudyat naman ng pagbubukas ng bagong season na iho-host ng DLSU.

Show comments