^

PSN Palaro

4-way fight para sa Dubai Cup nakikita

-
TAGAYTAY-- Nakikita na ni Super Grandmaster Pavel Kotsour ang four way fight para sa Dubai Cup na nakataya sa 14th Asian Cities Chess Championships na nagsimula kahapon dito sa Tagaytay International Convention Center.

" It is very tought to say who will win but I think it will be between us, China, the Indonesian team led by GM Utut Adianto and the Philippines bannered by your three Filipino GMs" anang Board 1 player ng defending champion na Pavlodar sa Kazakhstan.

At nang tanungin sa kanilang tsansa sa pagpapanatili ng Dubai Cup, sinabi ni Kotsur, may pinakamataas na ranggo sa torneong ito sa ELO rating na 2569, sinabi nito na " We have a very good chances but you know chess, anything can happen."

Bukod kay Kotsur, ang Pavlodar team na seeded No. 2 ay binubuo nina GM Irzhanov Ruslan (2501), IM Egorov Evgeni (2381) at Ibraev Nurlan (2487) at GM Serik Temirbaev (2459).

Top seed ang Guangzhou ng China na pinamumunuan niu IM Liang Chong na may pinakamataas na rating sa team.

Ang host Tagaytay City ang Number 3 sa isang linggong torneo na inor-ganisa ng National chess Federation na may suporta ng Philippine Sports Commission, Department of Interior and Local Government, Department of Tourism, Manila Sports Council at STI.

ASIAN CITIES CHESS CHAMPIONSHIPS

DEPARTMENT OF TOURISM

DUBAI CUP

EGOROV EVGENI

IBRAEV NURLAN

IRZHANOV RUSLAN

KOTSUR

LIANG CHONG

MANILA SPORTS COUNCIL

PAVLODAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with