Ang panalo ay isang lopsided para kay Banar na agad na kinuha ang trangko ng laban na ito na hatid ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinsons Malls, Accel, Hope The Luxury Cigarrettes at Rommels Billiards ang opisyal na lamesa.
Umaasa si Vita, na natalo sa kanilang unang laban, 2-5 na makakabawi sa muli nilang paghaharap nang kanyang kunin ang unang rack, ngunit impresibong pagtumbok ang ipinalabas ni Banar sa sumunod na tatlong racks upang agawin ang bentahe sa 3-1.
Pinilit ng natanggalan ng korona na manatili sa track nang magbanta ito sa 2-3, ngunit ang mag-gandang bola na preparasyon ni Banar ang siyang nagdala sa kanya sa panalo.
"Me dalang suwerte talaga si Johnson (Vita). Kung hahayaan mo lang siya, magtutuloy-tuloy yung panalo niya. Kaya naman maaga pa lang, pinigilan ko na," pahayag ni Banar.
Bunga ng panalo, haharapin ni Banar ang bagong kalaban sa susunod na linggo upang mapanatili ang kanyang korona.