^

PSN Palaro

Pananalasa ni Vita tinapos ni Banar

-
Nagpakatatag ang dating SEA Games silver medalist na si Florencio Banar sa final na dalawang racks upang pabagsakin si Johnson Vita, 5-2 kahapon at agawin ang korona sa ‘Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player’ sa Robinson’s Malls.

Ang panalo ay isang lopsided para kay Banar na agad na kinuha ang trangko ng laban na ito na hatid ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinson’s Malls, Accel, Hope The Luxury Cigarrettes at Rommel’s Billiards ang opisyal na lamesa.

Umaasa si Vita, na natalo sa kanilang unang laban, 2-5 na makakabawi sa muli nilang paghaharap nang kanyang kunin ang unang rack, ngunit impresibong pagtumbok ang ipinalabas ni Banar sa sumunod na tatlong racks upang agawin ang bentahe sa 3-1.

Pinilit ng natanggalan ng korona na manatili sa track nang magbanta ito sa 2-3, ngunit ang mag-gandang bola na preparasyon ni Banar ang siyang nagdala sa kanya sa panalo.

"Me dalang suwerte talaga si Johnson (Vita). Kung hahayaan mo lang siya, magtutuloy-tuloy yung panalo niya. Kaya naman maaga pa lang, pinigilan ko na," pahayag ni Banar.

Bunga ng panalo, haharapin ni Banar ang bagong kalaban sa susunod na linggo upang mapanatili ang kanyang korona.

vuukle comment

BANAR

BILLIARDS PLAYER

BUNGA

FLORENCIO BANAR

HOPE THE LUXURY CIGARRETTES

JOHNSON VITA

KAYA

NAGPAKATATAG

PINILIT

TANDUAY THE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with